"Strike Three! Your Out!!!!" Muntik na itong mangyari sa papa ko. Inatake sya sa puso, Sunday yun at nasa Laguna ako kasi team building namin. Buong akala ko simpleng atake lang, pero kinaumagahan dinala sya sa ICU ng Phil. Heart Center that was the time na narealize ko na grabe kalagayan ng papa ko. Gusto ko sanang mauna na pabalik ng Manila pero baka matagalan ako kasi magcocomute pa ako. Pagdating ko dito sa office dumiretso na agad ako sa Heart Center. Ako ang nagbabantay sa kanya sa umaga at sa gabi dun natutulog mama ko. At first ok naman sya malakas at ang akala namin pede na syang lumabas after 4 days. Pero nung Friday (September 8) akala ko hindi na nya kakayanin, nagdeliryo na at nahirapan ng huminga. Nagkaroon ng "emergency call" sa mga staff na nakaduty. Pinalabas kami kasi ang daming gagawing procedures. Ang hirap pala ng nasa ganung sitwasyon na hindi mo alam kung ano mangyayari pagkatapos nun. Pero I still keep my composure, naiisip ko kasi ung responsibilidad na iiwan nya sa akin kung kakayanin ko ba. Kailangan ay maging matatag ako kung ano man ang mangyayari sa amin. Dati sa TV o pelikula ko lang nakikita yung mga aparatus sa ICU pero ngayon in person at higit sa lahat sa papa ko pa nakalagay. Nahihirapan ako sa nakikita na dinaranas nya, ang daming tubong nakalagay sa bibig nya, may respirator pa, meron pa nakalagay sa ilong na tubo na hangang sa bituka. Hindi sya pedeng kumain ng mga solid foods at ang pagkain nya ay sa pamamagitan ng tubo na nasa ilong at sinasalinan ng gatas. May ipinapasok ding tubo para higupin ang tubig sa baga nya at iyon ay ginagawa every 3 hrs. Kung may gusto syang sabihin ipinapasulat na lang. Pinilit kong tinitiis na hindi ako magpakita ng kahinaan. Bumilang din ng apat na araw na nasa kritikal na kondisyon an papa ko at pagkatapos nun ay dinala sya ng isang araw sa recovery room. Ang laki ng inihina at ipinayat nya.
Tinapat kami ng doktor nya na madami ng "damage" yung puso nya. Nuong unang atake nya sa ibaba ng puso ang ngkaron ng pagpalya, ngayon naman ay sa itaas na bahagi. Isang operasyon ang dapat gawin sa kanya para matanggal ang bara sa puso nya. Kinakailangan namin ng malaking halaga.... "Isang Milyong" piso, pero saan kami kukuha ng ganun kalaking halaga? Yung Php 150K na ibinayad namin ay inutang lang namin kung saan-saan. Nakapag-salary loan ako dito sa office ko at nakapangutang pa ako sa isang kaibigan ko. Kaya paano kami makakahanap ng ganung kalaking halaga para dugtungan pa ng konti ang buhay nya. Pero kahit na dumaan sya sa operasyon na yun wala pa rin kasiguraduhan kung talagang mawawala at gagaling sya. Panghabang buhay na sakit nya na ngayon ang sakit sa puso.
Sa kabila ng mga pangyayaring ito, isa lang ang tangi kong tuwirang hinihingan ng tulong sa "Kanya" ako ngsasagawa ng "Isang Milyong" panalangin. Ang doktor may limitasyon pero "Sya" kahit na imposbleng bagay nagiging posble. Sabi nga nila, "Faith can Move Mountains", OO nmn walang makakatanggi na tama ito pero pede din nating i-re-phrase, "Prayers can also Move Mountains". Mas umaasa ako dito ngayon, "my back is on the wall" kaya kanino pa ba ako aasa?....