Thursday, March 22, 2007

Anong Meron ang Taong Happy?








1-2-3 sing!!! Belated Birthday to me, belated birthday to me, belated birthday belated birthday, belated birthday to me… hehehehe Weird noh? wala yung salitang “Happy” bakit nga ba? Anyway, “anniversary” ko na din sa child hood dream ko yung matuto ng kahit anong “Martial Arts”. Eto yung month last year ng sinimulan kong mag-attempt mag-enroll. Yung unang sabak ko Mixed Martial Arts – MMA na agad pero naging mabilis lang yun kasi isang “crapola” yung trainer sobrang angas so I decided to enroll sa “Aikido”. Umabot ako ng “Third Kyu” or “Yellow Belt” (3 na lang Black Belt na ako). Just to give you a little background, it is more of self-defense kailangan mong hintayin yung attacker bago ka gumawa ng move to pin him down or use his own strength for him. Para naman madagdagan arsenal ko, nag-enroll ako sa “Boxing and Muay Thai”, more on attacking ititch. Dahil din dito medyo naging slim ako kasi total body workout. Bata pa lang ako avid fan na ako nina Bruce Lee, Jackie Chan saka Jet Li, all eyes and ears ako kapag may palabas sa t.v naming ala Madam Auring sa tanda pero may asim pa rin. Kaya simula nuon sabi ko na dapat din masanay ako nun, unfortunately wala kaming budget for that para i-enrol ako sa Milo-milo may luga Taekwondo Clinic kapag summer saka sa basketball and volleyball ako na-engage during my childhood days kaya ayun after 20 years ko pa natupad yung dream ko na matuto.













Pix 2. Boxing Trainor: Erwin Fetherweight Division







Pix 2. Muay Thai Trainor: COBRA





Bakit nga ba walang “Happy” sa kanta ko? Kasi naman sa totoo lang hindi naman talagang happy. Diba sabi nga nila yung, “clown and pinaka malungkot na tao sa balat ng lupa” sa akin aplikable yun. Napagkakamalan na nga akong bahagi ng loyalistang ikatlong kasarian kasi bangkero ako. Siguro I just used those instances to hide what my true feeling. Right now I’m still searching for that real happiness yung tipo bang magaan yung pagadadala mo ng buhay. Alhtough, hindi ko naman inaalis na yung mga problema e part talaga yan ng life and without problems, life is like a food without spice. Pero basta, I can feel na iba talaga. Parang sa lahat na lang ng aspect ng life ko, it is always a struggle ang hirap humanap ng smooth sailing panay rough seas kasi. Kaya eto lagi na lang akong “bangkero” as a defense mechanism. Parang lagi na lang may kulang na hindi ko malaman kung ano. Hindi ko na nga matandaan kung kelan ako naging tunay na Masaya. Hmmmmmmmm isipin ko nga….. Aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh ayun natandaan ko na yung moment na nanalo kami nung highschool pa ako sa volleyball. Nung talunin naming yung perennial champs sa district namin. Since nagsimula akong maging member ng team yun na yung target namin talunin sila and after 3 years saka pa lang nangyari yun. Dami ding pawis saka init ng araw (kay nga nognogers ako) saka sama ng loob ang nakuha ko bago ako naging masaya! Hehehehe Kaya lang after that wala na ata. Hindi ko na matandaan kung kelan at anong pangyayari. Haaaaaaaaayyyy ! :(

Pero ngayon, I’m starting to identify what are my faults and mistakes that I continuously doing. Kapag siguro nabago ko yun, maybe it will spell the difference. Hindi naman ako nagmamadali sa katunayan nga lagi kong naaalala yung dalawa sa mga dakilang taong nabuhay dito sa earth, they did not loose hope kahit na parang wala ng patutunguhan sila. Sila ay sina “Abraham Lincoln” at “Thomas Alva Edison”. Before they achieved success sa butas ng karayom sila nagdaan. Nevertheless, I have 8 words that I will never forget, yes 8 cool words (nga pala 8 yung favorite number ko and it is always on my jersey!) these are the following words, “Never, never, never, never, never, never give up!” I’m still in the tick of the fight, hindi pa naman ako na-knockout and besides my coach it the “All Mighty One”. Kaya, will I loose this fight? I don't think so. Bugbog sarado man ako ngayon I’m sure in the end, mananalo ako!!!

Maiba naman ako lets go to the lighter side. Eto kwento ko sa inyo. Read between the lines.

“Si Garet ay isang estudyante sa kanilang barrio. Medyo may kahirapan ang kanilang barrio kaya iilan lamang ang nakakapag-aral at kilala ito sa buong barrio kaagad dahil nga bilang lang sa daliri ang nakakapag-aral.

Tatlong taon na sa Grade Four si Garet sa kanilang eskwelahan at dahil beterano sya ang ipinanlaban sa pinakaprestihiyosong ‘Ispeling Kontest’ na maririnig ang laban sa mga transistor (tawag sa lumang radio) dahil ito ay naka brodkast. Kaya alam ni Garet na napakalaki ng daladala nya sa balikat nya.

Simula na ng laban, napakaraming taong nanunood sa kontest at tense na tense si Garet, panay tulo ng pawis nya sa noo. Eto na ang unang tanong at ang hindi makakakuha ng sagot ay talo agad. Sabi ng announcer, ‘Ebribadi pensils ap, get redi! Wat is da ispeling of maasim na fruit end color green end we always drink its juice when we hab cold and plu.GOOO!’. Ang sagot ni Garet ay ‘K-A-L-A-M-A-N-S-I’, sabay taas ng papel at natapos na ang oras. Ayon sa announcer ang sagot ay ‘C-A-L-A-M-A-N-S-I’. Kawawang Garet mali ang sagot nya dahil lamang sa isang letra. Kaya laking panlulumo nya dahil mababalita sa buong barrio na natalo sya kaya sa kanyang pag-uwi naka-tungo siya at hindi maitaas ang ulo dahil sa hiya dahil alam na ng buong barrio ang nangyari, pero laking gulat nya ng may mosiko at banderitas na naghihintay sa kanya at lahat ng mga kapit bahay nya ay binabati sya. Kaya ang sabi ni Garet, ‘Natalo ako bakit nyo ako pinagseselebreyt?’. Ayon sa isa nyang kapit bahay, ‘Kunwari ka pa narinig namin sa transistor panalo ka, sabi pa nga, TSAMPIYON SIGARET’….