Tuesday, December 30, 2008

Night Safari Adventure

Year of the Ox daw ang 2009 totoo ba itich? Teka ano ba ang "Ox"? Anong klaseng hayop ba ito? Basta ang alam ko lang e ako ang pinakamagandang hayuff sa balat ng Singapore. Ang magreact magmumumog ng dugo! Anyway, speaking of hayop, naalala ko tuloy, one time tinawagan ko yung dati kong ka officemate sa Trend, tapos sabi nya,

x-opismeyt: "Ooooops! alam ko kung nasan ka ngayon! Nasa Night Safari ka
noh".

totoybeebo: "Lokah, anong Night Safari? nasa kwarto ko ako matutulog na
hunghang!".

x-opismeyt: "Kunwari ka pa, e dinig na dinig ko yung mga Lion sa tabi mo,
teka may baby tiger pa"

totoybeebo: "Gago! mga roommates ko yan, dalawa silang ubod ng lakas
maghilik!!! Parang naka sorround lang ako, akala nga ng mga kapit-bahay nag-aalaga ako ng endangered species sa flat namin".

x-opismeyt: "Ok, so feeling Tarzan ka naman!"

totoybeebo: "Cheapipay ka talaga, ako si Edward tagapagalaga ni Bela"


Hindi ka makarelate noh? Harharhar, panuorin mo kasi ang latest movie craze, wag kang mag-alala showing pa rin naman hanggang ngayon. Kung hindi na, mag-Torrent ka nalang, download ka. *wink*

Red Horse kung Sumipa

Sa mga nanabik! ... tol, excuse me lang ano ako sex organ!?... Sa mga nag-aabang! ... mag-abang ka na lang poreber noh... Sa mga patuloy na umaasa! ... eeeeiiiiiiiwwwwwwnesss ka talaga, ano ako jowa material mo!? Sa mga tambay! ... pwes tumambay ka na lang jan por layf at diligin mo ang bituka mong may nana ng "Family Rubbing Alcohol", hindi lang pang-pamilya, pang-pang-sugat pa!...


355 days na pala ako dito sa Singapore whew!!! Nakatagal ako sa IBM (Singhealt Account). Naalala ko nung pumunta ako dito, parang probinsyano dating ko, 40 kilograms na gamit dala ko, 20 kilograms hila-hila ko yung iba naman nakasabit sa likod ko tapos derecho sa staff haus. Grabe yun, fotah "atungal bata" ako nun, may halong hikbi pa sa dulo ng bawat iyak, sabay punas ng sipon na tumutulo at luha ng parang hindi na ata matatapos, kasama pa ang pawis sa batok na hindi rin maubos-ubos. Kasi naman yung room ko ang init! Ewan ko ba dun bakit yung elisi ng eroplano nakalagay sa kisame, uuga-uga. Ayun naramdaman ko ang homesickness. Pero nuon yun, ngayon adjusted na at nag-aadjust pa rin ... por your inpormeysyon.


Nakakatuwa dito, iba't ibang lahi, nationality at culture sa isang maliit na bansa pinagsama-sama. Sobrang linis nga ng bansang ito pero yung ibang tao naman saksakan ng ewan sa amoy. Daig pa ang "Red Horse" kung sumipa, nanunuot sa ilong at dumidikit sa mala-porselana kong balat! "So yuck to the max, kadiri to da next level". Pero ngayon sanay na ako. Para na silang halimuyak ng bulaklak ng sampaguita na gumigising sa akin tuwing umaga (@#$#% mo! Plastik ka talaga!).


Tapusin na natin ang year 2008! Happy New Year of 2009!