Whew!!! Bitbit, hila, sabit at gulong-gulong mga huling tagpo habang paalis ako sa tinuluyan ko dito sa Singapore dala ang mga damit at "laptop" ko papunta sa bagong "Bahay ni Kuya". Nakakatuwang isipin na habang nakasakay ako sa taxi ni "uncle" tumutulo luha ko. Nalulungkot ako dahil "at-home" na ako sa mga kasama ko. Natuto ko na silang pakisamahan, alam ko na kung saan ako lalagay, alam ko na kung ano ang dapat kong gawin.
39 days din akong nag-stay at nagpa-ampon sa kanila. Naisip ko pa nung una na baka matataray sila, baka palayasin ako mga kapraningan na hindi maiiwasan dahil bago pa lang ako dito. Kahit na naging ka-officemates ko sila, iba na ngayon dahil magiging "housemates" ko sila. Pano kung hindi nila ako makasundo o pano kung hindi ako magfit sa kanila. Ilan ito sa mga pinangangambahan ko kaya nung una hirap na hirap talaga akong mag-adjust, ako ang dapat makisama dahil "ampon" lang ako.
Dala-dala ko ang mga paborito kong kumot galing sa "Ilocos Sur", ang isa panlatag sa sahig kung walang mahihigaan, ang isa pangkumot kung malamig o malamok. Siguro maswerte ako ngayon kasi meron pala silang "air-bed" na pede kong magamit kaya may mapaghahalinhinan akong mga kumot ngayon pati "bedsheet". Sa loob ng mahigit isang buwan kasama ko si "air-bed" at isang unan sa "sala set". Naging masaya ako dahil laging mahimbing ang tulog ko kapiling ang bago kong higaan, ika nga "at-home" kaagad ako.
Nakakatuwa sa bawat araw na nag-stay ako sa kanila I felt I was able to connect with them. Sa umaga at sa gabi lang kami nakakapag-usap dahil lahat kami may work. Sobrang namimiss ko silang lahat sa bahay. Katulad ng ....
Van
- kapag movie time feel na feel ang panunuod at parang isa sya sa mga characters dun, kasi napakamagugulatin in short eskandalosa. Yung cooking time namin, I still remember nung nagluto kami ng ginataang kalabasa at sitaw gamit ang kakaibang coconut milk. Napaka-creamy ng sauce kaya sobrang sarap lasang-lasa yung gata hahaha. Namimiss ko din yung jogging time namin sa Bishan Park. Simula sa flat namin hanggang dun sa park nagstart na kami magjogging kaya ayun halos pagod na ng makarating kami sa park para magjog. She also gave me a medicine ng humingi ako sa kanya ng dalawang biogesic dahil nilalagnat ako ng dalawang araw. Pati na rin yung walkathon namin sa Orchard at Lucky Plaza habang "First Day" nya para maghanap ng shoes ko. Anyway, kay Van ako humingi ng tulong ng initial stay ko at ayun hindi ako nabigo. Sobrang bait at mararamdaman mo yung concern nya sayo.
Lux
- pede ko bang sabihin na, "Does size really matters?" naku baka kalbuhin nya ako kasi inaaway ko sya. Sya ang "Reyna ng Kusina" kapag walang pasok at pagmulat pa lang ng mata nagluluto na ng breakfast tapos ng pananghalian pati meryenda at dinner. Hindi ka mahihirapang hanapin sya sa loob ng bahay kasi nasa kusina lang sya.Dami ko natutunang recipe at napapakain talaga ako kasama si "Ate" (sister ni Lizy). Madalas kaming nag-eexperiment kaya lalo tuloy lumulusog hehehe Happy Birthday (Februaru 19) pero nung celebration nya (February 17) isinabay na rin sa "despidida" ko. hahaha She cooks with love kaya love na love ni "Sir Chris" si mommy Lux. Namimiss ko talaga yung panunuod ko sa kanya habang nagluluto kami. Pati na rin nung nagluto sya ng pritong pusit at kumapit yung amoy sa kumot ko. hahaha Lasty, nung minsan na nanuod kami ng horror movie na "Hills Have Eyes" nakiusap na, "Darwin, pede bang dalahin mo yung higaan mo at dun ka muna matulog sa room namin ni Chris, NATATAKOT ako". hahahaha Kamusta naman yun diba?
Lizy
- the one who treat us on her birthday sa "Reverse-Bungee" weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh. Hindi kami madalas magkita dahil midshift sya (4pm-12am), madalas din syang gumala since madami na syang friendster dito. She has the most beautiful room among them at higit sa lahat ang owner ng "Home Theater System" kaya laging may movie time. Sobrang demure at ang girl na apat ang mata meron ding pandaya (contact lens) para maging dalawa lang. Namiss ko yung jogging namin sa oval na first time kong makatakbo sa isang "rubberized" track. Namiss ko rin sa kanya yung blueberry cheesecake cum ice cream cake it was not bake on fire but baked on ice. Sabi kasi nung ate nya para raw taho kasi hindi nabuo kaya nilagay nya sa freezer. Ayun after 2 days natikman na namin yung specialty nya, kahit na it was not meant to be that way pero sobrang sarap din at unang beses kong makakain ng cheesecake at gawa pa ni Lizy. She also cooks well kahit na dinadasalan nya yung pagluluto. Natatawa nga ko minsan kasi sa sobrang ka seryosohan nya talagang sukat na sukat per cup tapos nakasalamin pa sya so parang "cooking scientist" sa laboratoryo kulang na lang yung nakalagay sa ulo.
Chris
- sya ang nagbukas ng pinto nung nagpunta na ako sa kanilang flat. Kulang na lang e yakapin ko at halikan dahil sobrang na praning ako nung dumating ako sa boarding house at walang makausap. Tahimik pero makulit. Typical guy na hindi expressive pero deep inside he really mean it. Nakakatuwa nga kapag tinatarayan cum lambing nya si Lux. Kaya lang marami ang nagtataka, magaling naman magluto si Lux pero bakit payat pa rin si Chris? Ang tanong ngayon, sino ang tumataba? hmmmmmmmm Do I need to answer my own question? hahahaha Salamat sa "air-bed" at laging mahimbing ang tulog ko.
Mark Tongio, ano ginagawa nya dito? Hmmmmmmmm sya ang sumundo sa akin sa airport papunta sa "Bedok" at naglibre sa akin sa taxi. Kung hindi nya ako sinundo hindi ko alam kung paano ako pupunta dun at malamang sa airport ako magpalipas ng gabi.Thankful ako sa kanilang lahat lalo na sa mga ka-housemates ko. Kung hindi dahil sa kanila malamang bumalik na ako sa Pinas sa sobrang na-homesick ako dito. I will always be forever and ever and ever thankful to them. Masaya ako sa tuwing umuuwi ako ng bahay after work at may nakakausap na mga kaibigan katulad nila. Nagbibigay din sila ng tips sa akin. Hindi ko alam kung paano ko mapapalitan yung lahat ng ginawa nila sa akin. Sana isang araw I could repay them in anyway kahit na imposible man yun.