Eto paahhhh kasi nmn wag kayong uuwi ng lasheng ng hindi kung anu-ano ang iniisip.
----- Echos
Gabi nang umuwing mag-isa ang lasing na si Mark. Nang malapit na sa lumang bahay ay may tumawag sa kanya, "Mark!" Lumingon siya sa paligid nguni't walang nakitang tao. Itinuloy niya ang paglalakad at naramdamang niyang may sumusunod sa kanya, "Mark!!" Lumingon uli pero walang nakitang tao kaya kinabahan siya. Binilisan niya ang paglalakad. Muli niyang narinig ang mas malakas na pagtawag sa kanya, "Mark! Mark!". Naalala niya ang kuwentong may lumalabas raw na maligno sa lumang bahay. Medyo nawala ang kanyang pagkalasing sa takot at tumakbo na siya. Pero bigla siyang napahinto pagtapat sa lumang bahay nang nabasa niya ang nakapaskin sa bakuran nito: "Mag-ingat sa ngongong aso!"
No comments:
Post a Comment