Wednesday, November 22, 2006

TAWA ka naman dyan! :(

Hahahahahahaha sarap tumawa ng matagal at yung halos hindi ka na makahinga sa sobrang tawa. The best ito at paminsan-minsan lang kung dumating, sana araw-araw dumating din ito sa akin at araw-araw ko ring maranasana para kahit sandali nakakabawas sa mga problema. Ang hirap umuwi ng bahay lalo na naiisip ko na napakarami naming problema pero bakit ako umuuwi? Pede naman akong lumayo at mabuhay mag-isa bakit hindi ko iyon gawin? ... Syempre mahal ko kasi sila at hindi ko sila pedeng pabayaan. Gusto ko man ibigay sa kanila ang lahat sa kabila ng aking maliit na kakayahan, kakarampot man ang tulong ko pero alam kong napakalaking bagay na ito para makatulong sa mama ko na kung kumayod e marino dahil hindi na kayang magtrabaho ng papa ko, nag-aaral pa kapatid ko at 1st year college pa lang kaya kailangan pa ng maraming kayod.
Dati nung may bahay pa kami at hindi kami nangungupahan mas magaan ng konti kasi hindi kami nagbabayad ng upa pero ngayon problema lagi ang bayad sa bahay. Dati may mga "groceries" kami na anytime pede akong magbukas ng delata pero ngayon wala na. Asukal pa nga e kakaunti pa. May sakit kasi papa ko...sakit sa puso at kailangan ng mga gamot. Madalas din na isugod sa hospital at lagi sa ICU. Dun halos napupunta yung pera namin at yung iba pambayad sa utang dahil sa laki ng nagastos namin ng dalhin sya sa Phil. Heart Center. Sobrang laki ng gastos sa mga gamot nya at madalas pang isugod sa ospital.
Halos masanay na ako sa text ng mama ko na kailangan ang pera kaya yung mga kaunting ipon ko nasimot na at ngayon ang dami ko na ring binabayarang utang. Hindi naman ako pedeng humindi at tumanggi dahil kami rin naman ang walang kakainin at higit sa lahat walang pambili ng mga gamot. Kaya malaking bagay kapag nakakakuha ako ng bonus (PAR) dahil pandagdag gastos.
Ngayon pa lang gusto ko na sanang malaman kung ano mangyayari sa work ko, o ano ba ng hinihintay ko dito. Nag-aaply na nga ako kung saan-saan para makakuha ng mataas na sweldo. Kung hihintayin ko ang promotion ko dito e magpapakaburo pa ako ng isang taon dahil sa dami ng mga "senior" sa akin. Sana pagbigyan ako ni bossing na makahanap ng "better opps" kasi badly needed talaga. Gusto ko pa sanang maghintay kaya lang hindi na pedeng maghintay pamilya ko. Ayaw ko namang matigil sa pag-aaral kapatid ko kasi "promil child" yun taga-UP kaya sayang ang potential nya.
Nakakabaliw mag-isip, nakakapraning, nakakagago, kaya napakahirap magtrabaho ng wala dito isip mo. Hangang kelan pa kaya ito? Hangang kelan ko pa kaya kakayanin ang mga ito?? .... Sagot ko ... ... ... Kaya ko pa! I'm still fighting a good fight and I will end up this game as eventual CHAMPION. You can knock me down many times but you can never knock me out.

4 comments:

Anonymous said...

Galing mo bro! I salute you...Dont lose hope..ika nga there is light at the end of the tunnel..

An inspiring story on the other hand though...

-pss

Anonymous said...

Life's up and downs provide windows of opportunity to determine your
values and goals. Think of using
all obstacles as stepping stones to build the life you want.

- Marsha Sinetar US writer

Anonymous said...

God promises a safe landing, not a calm passage. If God brings you to it - He will bring you through it.

-jpp

Anonymous said...

never lose hope and keep on believing tol.

life is too short to understand failures and trials, but always remember in due time all will be well.

be strong always.