I feel so sobrang "bobo" dito. Lahat ng mga kasama kong SA (Systems Administrator) highly technical. Hindi ako makasingit sa mga pag-uusap nila. Tapos manager ko pa highly technical din, sya nga escalations namin kapag hindi na namin alam ang gagawin. Hindi rin pede dito yung mga palusot kasi alam naman nila yung nangyayari. Parang pipi din ako sa mga meeting at mga discussions. Wala akong mai-share na ideas or magreact sa lahat ng mga sinasabi nila. Napapanis na nga laway ko sa mga discussions tapos minsan pa naranasan ko na mapagtawanan kasi hindi ko alam kung pano gagawin yung ipinagagawa nila sa akin. Madalas rin akong napapansin sa mga kapalpakan ko ang dami-dami ko ng maling nagagawa kaya nga yung "self-confidence" ko napakababa ngayon. Nahihirapan akong makipagsabayan sa kanila kasi yung iba matagal na sa pagiging SA yung iba naman Microsoft technology talaga ang hawak nila sa dati nilang work e ako "Trend Micro" products. Kapag ganun ang usapan "I'm the KING" pero bihira lang yun since right now nasa migration plans pa lang. Nakakaasar lang hindi ko pa kayang makipagsabayan sa kanila. Pakiramdam ko nangangapa ako sa dilim, hindi ko lagi alam yung next step. Hindi ko pa rin kayang tapusin ang trabaho ko kapag nasimulan ko na. Haaaaaaaaaaaaaayyyyyyyy hirap pala maging SA, sabi kasi nila nung nasa TM pa ako, madali raw trabaho ng SA bakit hindi ko naman nararanasan yun? huhuhuhu
"I have not failed. I've just found 10,000 ways that won't work." - Thomas Alva Edison
Tuesday, March 04, 2008
I Feel So "BOBO" sa SG
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ei, kaya mo yan. ikaw pa? eh masipag ka namn at matiyaga at maagap. Nagsisimula ka palang naman e, eventually matutunan mo din. Diba yan sabi mo sa akin? hehe... ingat lagi! :)
-badede
Post a Comment