Thursday, February 26, 2009

Naaalala mo pa ba ang "BATIBOT"?

PAGMULAT NG MATA,
LANGIT NAKATAWA
SA BATIBOT,
SA BATIBOT

~

DOON SA BATIBOT
TAYO NA, TAYO NA
MGA BATA SA BATIBOT
MALIKSI, MASIGLA.

Nakakamiss talaga ang show na itich biruin mo ba naman kasama na ito
sa daily rituals ko nuong cutie little boy pa ako. Pagkatapos na maglaro sa ilalim ng init ng araw uuwi ako at
pipihitin ko ang black-en-white t.v. namin. Tapos uupo ako sa harapan ng t.v. at hihintayin ang mga kwento ni Kuya
Bodjie.

Teka lang kung magpa-quiz kaya ako tungkol sa "BATIBOT" masasagot mo kaya?
Subukan nga natin kung kaya pa ng powers mo.


1. Sino ang bespren ni Pong Pagong?


2. Sino ang nalilink na gurlaloo kay Kuya Bodjie na akala natin ay jowabels nya?


3. Kantahin mo nga ang kanta nila tungkol sa trabaho ng kapitbahay nyo?


4. Ano ang pangalan ng artista ni "Direk"!?


5. Sinech itech ang dalawang alien na laging dumudungaw sa bintana?


6. Ano ang name ng super hero na magaling bumasa?


7. Fill in the blanks, kanta itech, "__________ __________, __________ _________, masarap at masustansya"?


8. Ano ang name ng baka na pinapaliguan at may hila-hilang paninda?


9. Sino ang dalawang mag-sisters na puppet?


10. Sinech itech na manghuhula na may "Perlas na Bilog"?


11. Fill in the blanks, kanta itech, "Ako ay __________, __________ nyo, laging handang tumulong sa inyo, kilala
nyo ako, kilala nyo ako.."?


12. Sinech ang puppet na sultan na laging tumutulong sa kanyang mga konstityuwents?



Labing-dalawang tamang sagot = Henyo
Labing-isa hanggang siyam = Medyo Henyo
Siyam hanggang anim = Parang Henyo
Anim pababa ng betlog = ATRIBIDA KA NA! Leche ka pa!

2 comments:

nicquee said...

hindi ko na maalala ung iba. epidural... tsk tsk tsk

btw, ibabalik na ang sineskwela sa abs-cbn! salamat naman at may makabuluhang palabas na mapapanood ng aking bulinggit. :)

Anonymous said...

hehehe medyo matagal na rin kasi batibot e. nothing compares to batibot. buti naman may kwenta na hindi puro iyakan at drama :)