Saturday, August 19, 2006

Ano ba talaga Kuya?

Tanong ni Pututoy sa kanyang kuya, "Ano ba talaga kuya?". Tanong na madaling sabihin pero isa sa mga tanong na napakahirap sagutin. Laging nangungulit si Pututoy kapag nagkikita sila ng kanyang kuya. Madalas ay palaisipan sa kanya kung bakit laging parang ang lalim ng iniisip ng kanyang kuya sa tuwing ito ay kaniyang tinitingnan. Tahimik lamang sa isang tabi at madalas ay nasa kanilang kwarto lamang nakikinig sa radyo at sa kanyang bagong biling MP3. Masayahin at madalas ay maharot ang kanyang kuya kapag sila ay nagkikita. Napipikon pa nga siya dahil sa lakas mang-asar ng kanyang kuya.

Minsan naglakas ng loob si Pututoy na tanungin ulet ang kanyang kuya. Kahit na medyo may nginig sa kanyang pagtatanong ay itinuloy pa rin nya ang pagtatanong. Muli niyang sinabi ang mga katagang, "Ano ba talaga kuya?". Sabay talikod at biglang alis. Nagulat na lamang sya ng marinig nya ang sagot ng kanyang kuya na, "Gusto mo ba talagang malaman kung bakit?". Napadilat sya ng malaki ng sumagot ang kanyang kuya at dahan-dahan syang humarap sa kanyang kuya. "Sasabihin mo na ba sa akin yung sagot sa madalas kong tanong saiyo?" tugon ni Pututoy.......

"Marahil ay hindi mo pa naiintindihan ang napakaraming bagay dito sa mundo. Tanong na mahirap sagutin... Hangang ngayon ganun pa rin nararamdaman ko. Napakaraming mga mga bagay at pangyayari ang mahirap sagutin ang mahirap maunawaan. Bakit ba kailangan mangyari ang mga bagay na ito? Bakit ba kailangan ng kalungkutan? Bakit magulo? Bakit parang wala ng pedeng patunguhan? Bakit walang tigil ang pagdating ng mga problema? Bakit tayo nawalan ng tahanan? Bakit kailangan pang magkahiwalay? Bakit kailangan pang mag-away? Bakit hindi na lang mag-unawaan? Bakit ang hirap maging masaya? Bakit pa kailangang umiyak? Bakit hindi ko madama ang pagmamahalan? Bakit ayaw magpatawaran? Bakit kailangan pang lumayo? Bakit kailangan pang abutin ang mga ito? Bakit kailangan makasakait? Bakit walang nakakapansin? Bakit ako lang ang malungkot? Bakit sila masaya? Bakit ako nag-iisa? Bakit hindi pede ang isang bagay? Bakit parang walang katapusan? Bakit hindi ko makita ang hangganan? Bakit wala pa akong naaabot at napapatunayan? Bakit kailangang maghirap? Bakit kami mahirap? Bakit hindi ko kaya ang isang bagay at ang iba ay kaya nila? Bakit parang wala akong suportang nararamdaman? Bakit kami nawalan? Bakit hindi kami magkaroon? Bakit may nagagalit sa akin? Bakit kailangan pang sumigaw? Bakit hindi na lang daanin sa mabuting paraan? Bakit napakagulo ng apat na sulok ang aking lugar? Bakit and hirap ng aking kalagayan?

Bakit ang hirap sumagot? Bakit wala akong makita?...... Ang daming bagay na dapat sagutin. Nahihirapan na ako. Minsan naiisip ko na bumigay pero mas matindi magiging kapalit. Minsan nanghihina rin ako at kailangan kong lumakas. Ayaw kong sumuko dahil walang mabuting maidudulot ang pagsuko pero napakarami ko ring kahinaan marami rin akong hindi kayang gawin. Sana kapag sa munti kong kaharian may kasiyahan pero bakit puno ng galit at sama ng loob? Bakit sa munti kong kaharian hindi ako ang hari at iba ang nagpapatakbo iba ang namumuno? Paano ba ako lalakas? Paano ko ba maipapakita ang tunay na AKO? Akala ko hindi ako mahihirapan yun pala mas matindi pa sa inaasahan ko........ Sana lagi na lang pagmamahalan, sana lagi na lang tahimik, sana hindi sa pera umikot ang aking kaharian. Ayaw ng napakaraming kayamanan sapat lang masaya na ako.... Sana ang "kasiyahan" madaling hanapin, madaling abutin pero mas mahirap pa sa inaakala ko. Gusto ko lang maging masaya.... Gusto ko lang ng kapayapaan ng buhay..... Gusto ko nagmamahalan........ Hindi naman sila mahirap abutin pero bakit sa akin napakahirap......."

Tahimik ang buong paligid ng huminto sa pagsasalita ang kuya ni Pututoy. Wari baga wala siyang naintindihan sa mga sinasabi nito. Pero sa mukha ng kanyang kuya nabakas ni Pututoy ang mga katanungan na gustong sagutin ng kanyang kuya na sana isa sya sa makatulong sa pagtukalas ng mga kasagutan.....

1 comment:

Anonymous said...

ahm... ayun... hindi lang yung kuya ang namumrublema... pati si pututoy yun din ang mga tanong. minsan kasi, naiisip ng batang ito, mas madaling ipakitang masaya kesa tuwirang sagutin ang problema. mas madaling magpanggap na dedma at walang pakialam kesa makisali at paguluhin ang utak. mas madaling tumahimik kesa magsalita nang wala namang makikinig... hindi lang yung kuya siguro yung nasasaktan... kaya nga nagtanong si pututoy... hirap din siya... sana nga, habang panahon na lang siyang bata para hindi niya kailangang isipin lahat ng nakikita at naririnig niya. sana nga may magic na lang siya para pwede niyang gawin lahat ng gusto niya...